Binisita ng Punong Lungsod ng Tanauan na si Mayor Sonny Perez Collantes ang mga centenarian na sina Mrs. Natividad Briones ng Barangay Banjo West at Mrs. Agustina S. Evangelista ng Barangay Bagbag, Tanauan, Batangas.

Personal na ipinaabot nina Mayor Sonny at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, katuwang mga kawani mula Tanauan Local Social Welfare and Development at mga opisyal ng Federation of Senior Citizens Tanauan ang Birthday Cash gifts para sa mga centenarians.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng pagpapaigting ng implementasyon ng Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016 na layong ihatid ang karagdagang benepisyo para sa ating mga kababayan at masigurong maipapamahagi ng lokal na pamahalaan ang mga programa para sa ating mga Senior Citizens.

Source: City Government of Tanauan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *