Ginunita ang 4th Pangolin Day na may temang “Ipagpatuloy ang Pag-ingat at Pagprotekta sa ating Balintong para sa ngayon at sa susunod pang mga Henerasyon” alinsunod sa Municipal Ordinance No. 780 series of 2020 na pinamunuan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas, Palawan nito lamang Pebrero 17, 2024.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pagkakaisa at pagtutulungan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), Municipal Environmentally-Critical Areas Network (ECAN) Board, Katala Foundation Inc. (KFI) at Community Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Ang Municipal Ordinance No. 780 din ang nagdeklara ng Philippine Pangolin o Palawan Pangolin (Manis culionensis) na mas kilala sa tawag na ‘Balintong’ sa Palawan bilang flagship specie ng bayan na nagsisilbing sagisag ng konserbasyon at magtitiyak ng proteksyon ng mga bihira at endangered species at tirahan nito.

Ang Palawan Pangolin ay isang ‘critically endangered species’ ayon sa Resolution No. 15-521 ng PCSDS at itinuturing na ‘most traffic’ na hayop o mahigpit na ipinagbabawal sa kalakalan dahil sa pinaniniwalaan umano itong nakapagpapagaling ng iba’t ibang sakit.

Layunin ng selebrasyong ito na maimulat ang mamamayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa mga hayop na parte ng pagbabalanse ng ating kalikasan. Ang pagmamahal sa mga hayop ay simbolo nang pagmamahal sa ating sariling bansa.

Source: Philippine Information Agency – Mimaropa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *