Virac, Catanduanes- Personal na tinanggap ng dalawang asosasyon mula sa bayan ng Virac, Catanduanes ang tulong pinansyal mula sa programang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Departmemt of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Virac Catanduanes nito lamang Enero 13, 2024.

Layon ng DSWD-SLP na matulungan at mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyante sa pamamagitan ng pagbibigay suporta partikular sa kanilang mga pinagkukunan ng kabuhayan.

Laking pasasalamat ng Negosyanteng Mamamayan ng Danicop SLP Association sa Php300,000 na tsekeng natanggap gayundin ang ASPIRE SLP Association sa Barangay Calabnigan na tumanggap naman ng Php135,000 na tsekeng gagamitin para palaguin ang kanilang maliit na poultry at feeds supply business.

Ang turn-over ng nasabing mga tseke ay isinagawa sa tanggapan ni Mayor Samuel Laynes, na personal naman nitong dinaluhan ni MSWD Officer Jean Triumfante at mga personahe ng DSWD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *