Pinagkalooban ng Citinickel Mines and Development Corporation, sa pamamagitan ng ASDMP ng isang yunit ng harvester at traktor ang Barangay Bato Bato Narra, Palawan nito lamang Enero 11, 2024.

Ang benepisyaryo ng naturang mga makinarya ay ang Brgy. Farmers Association. Sila ay nakatanggap ng isang yunit ng harvester at isang yunit ng traktora na nagkakahalaga ng P3,105,000.00.

Laking pasasalamat ng mga magsasaka sa mga natanggap na makinarya sapagkat ito ay malaking tulong upang mas mapadali ang kanilang mga trabaho. Patunay lamang na lahat ng ito ay bunga ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga ahensya para sa ikabubuti at ikauunlad ng kanilang barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *