
Oriental Mindoro – May kabuoang 37 cruise ships ang inaasahang mag-port call sa rehiyon ng MIMAROPA ngayong taon.
Inaasahang aabot sa 40, 000 na pasahero at miyembro ng cruise ang dadagsa na siyang magpapataas sa turismo at magbibigay ng malaking epekto sa ekonomiya ng rehiyon.
Ang nasabing rehiyon ay kilala sa malilinis na baybayin, diverse marine life, at atraksyong kultural. Sinisigurado sa mga paparating na cruise na maipapamalas ng rehiyon ang natural na ganda at mayamang kultura sa pandaigdigang madla.
Ang mga nakatakdang port calls sa mga darating na buwan ay bahagi ng estratehikong inisyatiba para mapakilala ang turismo at mapalago ang ekonomiya ng MIMAROPA.
Simula Enero 8, 2024, ang talaan ng cruise calls sa MIMAROPA ay binubuo ng 28 cruise calls sa Puerto Princesa City, Coron, El Nido, at Balabac Islands sa probinsiya ng Palawan.
Sa kasalukuyan, ang Occidental Mindoro ay may iskedyul na 4 na cruise calls habang sa probinsiya ng Romblon ay mayroong 3 at sa Marinduque ay mayroong dalawang 2 cruise calls para ngayong taong 2024.
Ang pagdagsa ng turista ay inaasahang makapagpapasigla sa iba’t ibang sektor ng rehiyon kabilang ang mga hospital, transportasyon, lokal na negosyo, at tour operators. Makapagbibigay din ito ng oportunidad sa mga lokal na manggagawa.
Ang mga opisyal ng turismo sa MIMAROPA ay positibo hinggil sa pangmatagalang epekto ng mga cruise calls. Ito ay magsisilbing hakbangin tungo sa tagumpay ng rehiyon upang maging isa sa mga namumukod-tanging destinasyon sa pandaigdigang industriya ng cruise.