Ang Buntod Reef Marine Sanctuary & Sandbar ay isa sa ipinagmamalaki ng probinsya ng Masbate dahil sa pinong puting buhangin at malinaw na tubig.
Dahil sa ganda ng mga tanawin dito, hindi maikakaila na isa ito sa mga dinarayo ng mga turista.
Ito rin ay isang marine sanctuary na mayaman sa iba’t ibang uri ng yamang dagat dahil napapalibutan ito ng mayayabong na mangrove na nagsisilbing tirahan ng yamang dagat.
Dahil dito limitado lamang ito sa mga turista upang mapanatili nito ang kagandahan ng lugar.