Ang Forta Vega Beach ay matatagpuan sa Bayan ng Dimasalang, Masbate. Ito ay kilala din bilang isang tourist spot ng probinsya at patok ito sa mga turista.
Ipinagmamalaki ang kakaibang mabuhangin ng Forta Vega Beach sa isla ng Masbate dahil napapalibutan ito ng puti at pinong buhangin at kulay asul na tubig.
Makikita rin sa lugar na ito ang mga limestone, rock formations at napapalibutan din ito ng mga puno ng niyog na siyang nagsisilbing lilim ng isla.