Ang Halea Nature Park ay isa sa ipinagmamalaking tourist spot sa Monreal sa lalawigan ng Masbate.
Napakaganda ng lugar na ito dahil sa napakalinaw at malamig na tubig. Makikita dito ang iba’t-ibang uri at kulay ng mga isda kapag ikaw ay sumisid sa ilalim ng dagat.
Ang lugar din na ito ay mapuno at may kulay puti na buhangin sa dalampasigan. May mga nakatanim din na iba’t ibang klase ng mga bulaklak na agaw-atensyon sa mga bumibisita dito.
Masisiyahan din ang mga turista dito dahil sa iba’t ibang aktibidad mula sa kayaking hanggang sa snorkeling.