

Ang Barracuda Lake o mas kilala sa tawag na Luluyuan Lake ay matatagpuan sa hilagang baybayin ng Coron Island sa Pilipinas.
Mararanasan mo dito ang unique diving experience dahil isa ito sa pinakamagandang diving spot sa buong mundo. Makikita ang napakalinaw na crystal blue waters sa pagitan ng magagandang rock formation at mga kahanga-hangang limestone formation.
Ito ay pinangalan sa malaking barracuda fish skeleton na natagpuan sa lugar. Simula sa ibabaw ng lawa, ang mga divers, swimmers at scuba enthusiasts ay inaasahang makararanas ng 82 degrees Fahrenheit na temperatura sa paligid.
Ngunit habang bumababa sa kailaliman ng lawa, humigit-kumulang 45 hanggang 50 talampakan pababa, ang temperatura ay lubhang nagbabago sa lampas lamang sa 100 degrees Fahrenheit. Ang kakaibang pagtaas ng temperatura ay dahil ang lawa ay naglalaman ng parehong asin at tubig-tabang.