Ang Lebanon Beach ay matatagpuan sa San Juan Bacon District sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa dalampasigan nito ay matatanaw mo ang mga naglalakihang bato na nakapaligid dito at malalanghap ang presko at sariwang simoy ng hangin.
Ang Lebanon Beach ay hindi katulad ng ibang beach na may puting buhangin ang dalampasigan. Dito ay kulay kayumanggi ang buhangin na parang lupa at ang dalampasigan ay napapaligiran ng malalaking bato. Isa rin ang beach na ito sa dinarayo ng mga kalapit na bayan at mga turista.