Ang Irosin Eco-zoo-park ay matatagpuan sa Barangay Patag,Irosin Sorsogon. Ito ay may mga parke, palaruan at mini zoo, kung saan makikita ang iba’t ibang uri ng hayop gaya ng ibon, buwaya, unggoy, at baboy-ramo.
Sa loob nito ay may mga nakatanim na dragon fruits at mga endemikong mga bulaklak at hayop. Mayroon ding mga cottage, tree house, grotto, at multi-purpose building, pati na rin ng ATV rides na maaaring magamit ng mga turista.
Dito din ginaganap ang ilang mga pampublikong patimpalak, gaya ng aktibidad na kinabibilangan ng pagbisita ng mga kandidata ng Miss Earth 2016.