Ang Tikling Island ay matatagpuan mula sa baybayin ng Matnog Sorsogon. Mula sa daungan ng Matnog, makikita ang Tikling Island at masisilayan ang mga bughaw na alon sa baybayin nito.

Mamamangha ka sa pinong puting buhangin at kulay asul na tubig nito. Ang isla ay nagtataglay din ng mala paraisong tanawin dahil sa mga nakapaligid nitong mga kulay berdeng puno at dagdag pa dito ang mga pink corals na iyong masisilayan.

Dahil sa taglay nitong ganda ito ay dinarayo ng mga turista ng mga kalapit na bayan at probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *