Ang Unod Festival ay ipinagdiriwang sa bayan ng Castilla sa lalawigan ng Sorsogon tuwing unang Linggo ng Oktubre.
Ang pagdiriwang na ito ay pasasalamat sa masaganang ani ng mga produktong agrikultura ng kanilang bayan.
Nakikiisa sa pagdiriwang ang bawat barangay sa Bayan ng Castilla, at itinatampok ang kanilang iba’t ibang mga produkto upang ipakita sa mga manunuod ang kanilang ipinagmamalaking mga produkto. Tampok din dito ang street parade at street dancing competition.
