
Ang Vera Water Falls ay isa sa mga pinakamagandang atraksyon sa Lalawigan ng Albay, ito ay matatagpuan sa isang liblib na sulok ng Mt. Malinao sa Malinao, Albay.
Ang talon ay may taas na 25 metro at dumadaloy dito ang malamig, malinaw at malinis na tubig.
Ang kaakit-akit na talon ay nasa paanan ng Mt. Malinao, mararating ito pagkatapos maglakbay ng mahigit isang kilometro at masasaksihan mo na ang mala paraisong kagandahan ng lugar.