Ang Balagbag Falls ay isang two-tiered waterfall na matatagpuan sa Real, Quezon na dinarayo dahil sa malalim nitong plunge pool na angkop sa mga ibig makaranas ng cliff jumping.

Ang unang antas ay may humigit-kumulang limang metro ang taas at may malalim na catch basin, habang ang pangalawang palapag ay humigit-kumulang 25 metro ang taas na ang tubig ay bumabagsak sa isang mababaw na pool. Ang tubig rito ay tila nakakatakot sa mga taong gustong dumaan sa batis dahil sa nagkalat ang malalaki at maliliit na bato sa paligid, na nagsisilbing sagabal at landas para sa mga tumatawid sa ilog.

Ang batis ay matarik na bumabagsak sa ibabaw ng dalawang batuhan. Sa kaliwang bahagi ng unang cascade ay maaaring umakyat ang mga tao sa ikalawang antas ng Balagbag Falls at sa ikalawang antas naman ay may mababaw na pool at nagsisilbing jump-off point para sa mga cliff jumper.

Ang Balagbag Falls ay pinakamagandang bisitahin tuwing sasapit ang mga ber-month, may mga cottage na paupahan para sa pamilya o malalaking grupo ng mga magbabarkada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *