
Ang Mayon Volcano ay tinaguriang may pinakaperpektong volcanic cone sa buong mundo dahil sa simetriya o malaperpekto nitong hugis. Ito ay matatagpuan sa Timog-Silangan ng Luzon.
Ito ay isa sa pinaka-aktibong bulkan sa Pilipinas at pinakasikat na destinasyon na dinarayo ng mga turista sa Rehiyong Bicol.
Ayon kay Erickson Balderama, gamit ang kanyang DSLR 77D at 75-300mm lens, pinitikan niya ang ‘world’s almost perfect cone’ sa rooftop ng bahay nila sa Sto. Domingo, Albay. Tampok sa mga kuha niya, ang tuktok ng Mayon at mga bahagi ng dalisdis nito na madalas daluyan ng lava kapag nag-aalburoto. Sabi ni Erickson, tila mga ‘pilat’, na sa halip makabawas ay lalo pang nakakadagdag sa ganda ng bulkan.
Dagdag pa nito, mas lalong dinarayo ng mga turista ang Mayon Volcano tuwing pumuputok ito. Imbes na katakutan ito ay naging tourist attraction dahil sa pambihirang ganda ng lava formation.