Ang Taal Basilica ay matatagpuan sa bayan ng Taal, Batangas sa loob ng Archdiocese ng Lipa.

Ito ay kilala bilang Minor Basilica of Saint Martin of Tours at itinuturing na pinakamalaking simbahan sa Pilipinas at sa Asya.

Ito ay ipinatayo noong 1755 na may taas na 88.6 metro at 48 metro ang lapad. Ang pangunahing altar nito ay may istilong Doric na may sukat na 24 metro ang taas at 10 metro ang lapad.

Ilang bagyo, lindol at pagsabog ng Taal ang naranasan ng naturang basilica kung kaya’t ang National Historical Commission of the Philippines ay nagsasagawa ng ilang mga hakbang sa pag-iingat upang mapangalagaan ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *