Taun-taon, tuwing ikatlong Linggo ng Setyembre, ipinagdiriwang ang kapistahan ng Nuestra Seňora de Peňafrancia o Ina ng Lungsod ng Naga.

Ang Peñafrancia Festival ay isang relihiyosong pagdiriwang na gumugunita sa Our Lady of Penafrancia, Patroness ng Rehiyong Bicol kung saan tampok na aktibidad nito ay ang fluvial procession sa Bicol River.

Inilalabas ang dambana o ang orihinal na imahe ng Our Lady of Peñafrancia mula sa opisyal nitong tahanan sa Peñafrancia Basilica Minore patungo sa Naga Metropolitan Cathedral at vice versa.

Maraming mga deboto ang sumasabay at dumadalo sa pag-asang magkaroon ng kasagutan at katuparan ang kanilang mga kahilingan at ang iba naman ay pasasalamat sa kanilang kasaganahan at pangarap na natupad.

Ang pagdiriwang na ito ay ang pinakamalaking relihiyosong kaganapan sa Bicol at itinuturing na pinakamalaking kaganapan sa Marian Congregation sa Asya kung saan ito ay umaakit ng milyun-milyong turista, peregrino, at deboto bawat taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *