Ang Emilio Aguinaldo Shrine ay isang pambansang dambana na matatagpuan sa Kawit, Cavite.
Dito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas kung saan idineklara ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898 kung kaya’t ang Hunyo 12 ay ginugunita bawat taon bilang “Araw ng Kalayaan”.
Ang dambana ay ang ancestral home ni Emilio Aguinaldo, ang unang Pangulo ng Pilipinas.
Ang bahay ay itinayo noong 1845 na gawa sa kahoy at pawid at muling itinayo noong 1849.
Ang bahay ay isa na ngayong museo at idineklarang National Shrine sa ilalim ng Republic Act of 4039 na nilagdaan ni dating President Diosdado Macapagal.
Ang bahay ay isang mansyon na may mahigit 14,000 square feet (1,300 m2).
Tampok dito ang mga lihim na daanan, mga taguan para sa mga dokumento at armas na puno ng mga antigong kasangkapan na pinalamutian ng watawat ng Pilipinas at iba pang mga pambansang simbolo.
Ito din ay naglalaman ng museo ng mga memorabilia ni Aguinaldo at iba pang mga makasaysayang artifacts. Ang hologram na naglalarawan kay Aguinaldo noong bisperas ng Hunyo 12, 1898 bilang isa sa mga eksibit ng museo.
Makikita din sa kisame ng silid-kainan ang mapa ng Pilipinas.
Makikita din dito ang isang limang palapag na tore na may spire sa pinakatuktok na sinasabing paboritong lugar ni Aguinaldo.