Ang Mount Malindig ay pinakamatass na bundok na matatagpuan sa Buenavista, Marinduque.
Ito ang may taas na 1,157 meters above sea level kaya popular ito sa mga mountaineers at hikers na mahilig sa hiking, trekking at mountain climbing. Kung gusto mong magbabad sa mainit na tubig may mga hot springs din na matatagpuan sa paanan nito.
Kilala rin ito sa unique nitong biodiversity environment. Ito ang tahanan ng iba’t ibang uri ng ligaw na orchids at iba pang endemic wildlife.
Dahil sa taas nito na higit sa 1,000 metro (3,300 ft) above sea level, ayon sa batas, ito ay itinuturing bilang isang protected area. Ginagamit din ito ng mga taong-bayan ng Buenavista bilang pastulan ng baka.