Ang Bugui Point Lighthouse ay isang makasaysayang parola na matatagpuan sa Bugui Point sa bayan ng Aroroy, Masbate.

Sa hilagang dulo ng Isla ng Masbate, ay nagsisilbing gabay ito patungo sa  pagitan ng Burias Island, Masbate Island, Ticao Island at San Bernardino Strait.

Noong Oktubre 1893, ng simulan itong ipagawa ngunit nahinto noong Nobyembre 1896 dahil sa pagsisimula ng Rebolusyong Pilipino at ipinagpatuloy ito ng mga Amerikano noong 1902 at sa wakas ay muling napailawan noong Disyembre 1,1902.

Ang Bugui Point Lighthouse ay isa rin sa mga dinarayo ng mga lokal na turista dahil na din sa nakakamangha nitong tanawin. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *