Nagsagawa ng benchmarking visit ang Oriental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (ORMECO) sa Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) at SUWECO Tablas Energy Corporation Solar Plant upang pag-aralan ang best practices at operasyon ng isang 12-hectare solar facility.

Pinangunahan ang aktibidad ni ORMECO General Manager Engr. Humprey A. Dolor, kasama ang mga kinatawan mula sa Power Generation at Corporate Planning Departments. Sa isinagawang pagbisita, tinalakay ang mga mahahalagang aspeto ng solar power generation kabilang ang system operations, maintenance strategies, at efficiency measures na ipinatutupad sa nasabing planta.

Layunin ng benchmarking visit na mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng mga electric cooperative at mapahusay ang mga programa sa enerhiya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman, karanasan, at mga makabagong pamamaraan sa renewable energy.

Ayon sa ORMECO, ang ganitong inisyatibo ay mahalaga upang higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa power generation at makapaghatid ng mas maaasahan, episyente, at sustainable na serbisyo ng kuryente sa kanilang mga konsyumer.

Source: PIA Romblon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *