CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Mas mapapabilis na ang biyahe ng mga pasahero at mas mapapalakas ang turismo sa bayan ng Pola matapos pormal na buksan ang bagong rutang pandagat na Batangas–Pola noong Marso 28.

Pinangunahan ni Pola Mayor Jennifer “Ina” Cruz, kasama si Governor Humerlito “Bonz” Dolor at mga opisyal ng Department of Transportation, ang paglulunsad ng biyahe ng Island Water fast craft na direktang nag-uugnay sa Batangas at Pola. Sa unang byahe, 81 pasahero ang sakay ng barko na may kapasidad na 90 katao.

Ayon sa mga opisyal, inaasahang makakatulong ang bagong ruta sa mas mabilis na paggalaw ng mga tao at produkto, lalo na ngayong nalalapit ang Semana Santa, at magbibigay-daan sa pag-unlad ng turismo, kalakalan, at kabuhayan sa Oriental Mindoro.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *