Pasok sa target ang Philippine Army’s 3rd Infantry Division (3ID), na kilala bilang Spearhead Division, sa kampanya nito na tuluyang mapuksa ang mga lokal na communist terrorist group (CTG) bago matapos ang 2025.

Sinabi ni Capt. Jessie Jun Ebalan, hepe ng 3rd Division Public Affairs Office, na malaki ang ibinaba ng lakas-tao at armas ng New People’s Army (NPA) sa Western Visayas, Negros Island Region at Central Visayas.

Noong Hunyo, idineklarang dismantled ang Regional Sentro de Gravidad (RSDG) Madi-as ng Kilusang Rehiyon Panay sa pamamagitan ng National Joint Peace Security Coordinating Council.

Dahil sa nasabing tagumpay, ginawaran ang 3ID at ang 301st Infantry Brigade ng AFP Campaign Streamer Award sa ika-90 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo.

Sa tala ng dibisyon, 15 miyembro ng CTG ang na-neutralize sa Panay ngayong taon, kabilang ang apat na napatay sa engkuwentro, isa ang naaresto at 10 ang sumuko. Sa Negros Island Region, 14 ang napatay at 23 ang sumuko.

May kabuuang 82 baril ang nasamsam, narekober at naisuko, kung saan 47 ay mula sa Panay at 35 mula sa Negros Island Region.

Nakatanggap naman ng tulong ang 17 dating rebelde sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

Saklaw ng hurisdiksiyon ng 3ID ang Western Visayas, Negros Island Region at Central Visayas.

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1265820

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *