Bilang bahagi ng layunin nitong isulong ang transparency, responsiveness, at inclusive development sa mga isinasagawang projekto, ang Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) ay nagsagawa ng pagsasanay nito lamang Oktubre 4, 2025 sa Citizen Monitoring Tool ang mga barangay ng Canjela, San Roque, Salvacion, at Cumadcad sa Castilla, Sorsogn na benepisyaryo ng 4.7-kilometrong Rehabilitation/Upgrading of Cumadcad to Canjela Farm-to-Market Road.

Binigyang-diin ni Punong Barangay Senena Paz ng Canjela ang kahalagahan ng masusing pagmomonitor sa mga proyekto ng PRDP upang matiyak ang kalidad at maayos na implementasyon ng mga ito.
Ayon kay Paz, ang pagsubaybay ay mahalagang bahagi ng proseso upang maprotektahan ang integridad ng proyekto at masigurong naaayon ang bawat hakbang sa tamang pamantayan.
“Ang kahalagahan ng pagmomonitor ng mga proyekto ng PRDP ay nakatuon sa pagbibigay-proteksyon at masusing pagsubaybay sa bawat yugto ng implementasyon — mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng proyekto — upang masiguro na maayos at may kalidad ang pagkakagawa,” pahayag ni Paz.
Source: Department of Agriculture (SAAD-Bicol)