Mainit na sinalubong ng mga residente ng Brgy. Nursery, Masbate City si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nito lamang Oktubre 1, 2025, sa kanyang personal na pagbisita sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Bagyong Opong.

Ang pagdating ng Pangulo, kasama ang mga pangunahing opisyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay nagsilbing patunay ng pakikiisa at pagtugon ng pamahalaang nasyonal sa paghihirap ng mga Masbateño.

Kasama ng Pangulo sa kanyang pagbisita sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DSWD Bicol Regional Director Norman S. Laurio, mga Kalihim ng Gabinete, at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan. Sama-sama nilang tiniyak sa mga mamamayan na hindi sila nag-iisa sa proseso ng pagbangon.

Nagdala si Pangulong Marcos ng mahigit ₱25 milyong halaga ng tulong pinansyal at relief goods para sa mga pamilyang nawalan ng kabuhayan at tirahan dahil sa pananalasa ng bagyo. Kabilang sa mga ipinamigay ay food packs, hygiene kits, at financial assistance para sa agarang pangangailangan ng mga nasalanta.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng DSWD na “#BawatBuhayMahalagaSaDSWD,” na layuning tiyakin na bawat Pilipino ay nararamdaman ang malasakit at suporta ng gobyerno sa panahon ng sakuna.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *