Agad na nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region V–Bicol Region sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng Habagat at Bagyong Opong sa coastal areas ng Masbate City nito lamang Setyembre 27, 2025.

Sa pangunguna ni Regional Director Norman Laurio at sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, naipamahagi ang family food packs bilang tugon sa agarang pangangailangan ng mga apektadong komunidad at bilang hakbang ng paghahanda sa patuloy na epekto ng masamang panahon.

Kasunod ng pananalasa ni Opong sa Masbate, patuloy ding nagsasagawa ang DSWD ng pamamahagi ng food packs at relief kits sa mga pamilyang naapektuhan upang matiyak na may sapat silang pagkain at pangunahing pangangailangan.

Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa mandato ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na tiyakin ang maagap at maginhawang tugon upang walang pamilyang maiiwan sa oras ng sakuna.

Tiniyak ng DSWD Bicol na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng kinakailangang tulong upang alalayan na unti-unting makabangon ang lahat ng mga Masbatenyo.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *