Upang matiyak na ang mga bata at pamilya sa Masbate na dumaranas ng matinding stress ay makatanggap ng tamang emosyonal na pangangalaga at suporta, nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Rehiyon ng Bicol, sa pamumuno ni Regional Director Norman S. Laurio, ng psychosocial at stress debriefing para sa mga residente ng Brgy. Nursery, Masbate ngayong Setyembre 28, 2025.
Pinangunahan ng mga rehistradong social worker ng ahensya, ang mga bata at pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers at binigyan ng mga aktibidad na nakatutok sa pagharap sa epekto ng Tropical Storm #OpongPH sa kanilang mental na kalagayan.

Isinagawa ito nang may dagdag na malasakit at pag-aaruga. Ang mga pasilidad sa evacuation centers ng DSWD ay ligtas para sa mga bata at kababaihan na nagbibigay ng protektado at suportadong kapaligiran kung saan sila maaaring maghilom at makabawi nang may dignidad.
Ang ganitong interbensyon ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DSWD, sa gabay ni Secretary Rex Gatchalian, upang higit pang mapangalagaan ang emosyonal na kalagayan ng mga komunidad na matinding naapektuhan ng bagyo. Tinitiyak ng grupo na kahit sa gitna ng sakuna, sila ay may ligtas, child-friendly, at mental health-nurturing na espasyo.
Ang mga psychosocial at stress debriefing sessions na ito ay kaakibat din ng walang sawang suporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay-priyoridad sa kapakanan ng mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.
Source: DSWD Field Office V