Labo, Camarines Norte-Nasa kabuuang 493 na Internally Displaced Persons (IDPs) sa Labo, Camarines Norte ang tumanggap ng family food packs (FFPs) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Rehiyon ng Bicol nito lamang Setyember 27, 2025.
Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Labo, ang DSWD Bicol, sa pangunguna ni Regional Director Norman S. Laurio, ay nagbigay ng tulong sa mga evacuees mula sa mga sumusunod na barangay: San Antonio, Iberica, Anahaw, Gumamela, Sta. Cruz, Fundado, Cabusay, Dalas, Bayabas, Tigbinan, Canapawan, Anameam, Malatap, Bagong Silang I, Exciban, Daguit, Malibago, BS2, BS3, Macogon, Mahawan-hawan, Malangcao-Basud, Talobatib, Calabasa, Benit, Matanlang, Bayan-Bayan, at Mabilo II.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patuloy ang pagsisikap ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na matiyak na ang mga residenteng naapektuhan ng bagyong #OpongPH ay nabibigyan ng dagdag na malasakit at kalinga habang pansamantalang nananatili sa mga evacuation center.
Source: DSWD Field Office V