Isang masayang selebrasyon ang nasaksihan sa Lumban, Laguna kung saan ipinagdiriwang nito ang ika-24th Burdang Lumban Festival 2025 sa pamamagitan ng BurDoll Designing Competition at kauna-unahang paligsahan sa pagbuo ng Barong Tagalog nito lamang ika-27 ng Setyembre, 2025.

Ang naturang lugar ay kilala bilang “The Embroidery Capital of the Philippines” kung saan dito makikita ang naggagandahang mga iba’t ibang disenyo ng Barong Tagalog at iba pang yari sa pagbuburda.

Ang Barong Tagalog ay higit pa sa isang kasuotang pang-pormal, ito ay simbolo ng ating kultura, sining, at pagmamalasakit sa sariling atin.

Makikita rin sa BurDoll Designing Competition ang galing sa sining at husay sa disenyo, sa pamamagitan ng paglikha ng makabagong disenyo ng Filipiniana gown para sa mga Barbie doll.

Ang Burdang Lumban Festival 2025 ay ipinagdiriwang hindi lamang ang kagandahan ng ating tradisyon, kundi pati na rin ang pag-usbong ng mga batang tagapagtaguyod ng ating kultura.

Tunay ngang ang bawat obra ay nagsisilbing paalala na ang kultura ay buhay at patuloy na umuunlad sa mga kamay ng mga bagong henerasyon.

Source: Burdang Lumban Festival FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *