Bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Bayan ng Calatrava na mapanatili ang kaligtasan at kahandaan ng komunidad sa panahon ng sakuna, nagsagawa ng roving operations at water level monitoring ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nito lamang September 26, 2025.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ni Gerardo Marfil Jr. , Operation and Warning Section Chief, at sa ilalim ng pamumuno ni John Arvill F. Rabino, MDRRMO Officer. Katuwang ang mga tauhan mula sa Municipal Engineering Office, inikot ng grupo ang mga barangay na madalas bahain upang masusing subaybayan ang antas ng tubig at matukoy ang mga posibleng panganib. Nakipag-ugnayan din sila sa mga opisyal ng Barangay upang matiyak ang tamang pag-uulat, agarang pagtugon, at pagpapatupad ng mga kaukulang hakbang sa seguridad sakaling tumaas ang tubig.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas pinaigting na hakbang ng pamahalaang bayan upang mapalakas ang koordinasyon, mapabuti ang kahandaan, at mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Calatravanhon.
Patuloy na hinihikayat ng MDRRMO ang mga mamamayan na maging mapagmatyag, makipagtulungan sa mga awtoridad, at sundan ang mga opisyal na anunsyo at paalala.
Source: Calatrava Romblon