Isang makabuluhang araw ng pagbabalik-loob, inspirasyon, at pagpapatibay ng pananampalataya ang isinagawa ngayong Agosto 11, 2025, sa PEO Satellite Office, National Road, Brgy. Magbay, San Jose, Occidental Mindoro.
Pinangunahan ito ni Engr. Franklyn Angel, Officer-in-Charge ng PEO San Jose, kasama ang masisipag na kawani ng sub-office, na buong puso namang nakiisa sa Values Formation and Recovery Program.
Ang programa ay pinangunahan ni Pastor Rapada Jr., na nagbigay ng mensaheng puno ng pag-asa, paggabay, at paalala sa kahalagahan ng disiplina at matatag na pananampalataya—mga haliging mahalaga sa epektibong serbisyo-publiko.
Ang ganitong gawain ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan na palakasin hindi lamang ang kakayahan kundi pati ang kalooban ng bawat kawani.
Source: PEO Occidental Mindoro