Ganadong nakilahok ang mga Army reservist, Women Sector at Brgy Officials sa isinagawang Livelihood Program sa Brgy. Kayquit 2, Indang Cavite nito lamang Huwebes, ika-10 ng Hulyo, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Indang Municipal Police Station, sa pamumuno ni PMaj Rommel C. Dimaala, Chief of Police, na nilahukan ng Army reservist, Women Sector at Brgy Officials ng Indang, Cavite.

Tampok sa aktibidad ang pagbibigay kaalaman sa paggawa ng dishwashing liquid na ikinatuwa naman ng mga lumahok.

Layunin ng aktibidad na makapagbigay kaalamang pangkabuhayan katuwang ang mga kapulisan upang matulungan kumita sa sariling kasanayan sa paglikha ng kanilang natutunan sa aktibidad at tulungan silang maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay at makapag umpisa ng maliit na negosyo.

Source: Indang MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *