Buong malasakit na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region ang Family Food Packs sa 122 partner-beneficiaries ng Food for Work Program sa munisipalidad ng Viga, Catanduanes noong Huwebes, Hulyo 10, 2025.
Ang Food for Work Program ay isang programa ng DSWD na nagbibigay ng karagdagang pagkain (Family Food Packs) sa mga benepisyaryo kapalit ng pagtatrabaho sa komunidad.

Sa kabuuan, 63 benepisyaryo mula sa Barangay Tambongon at 59 na benepisyaryo naman mula sa Barangay P. Vera Summit ang nakatanggap ng Food Assistance bilang kapalit ng kanilang aktibong partisipasyon sa mga gawaing may kinalaman sa pangangalaga ng mga small-farm water reservoirs at communal gardens, kasabay ng paghahanda sa sakuna.
Bahagi ito ng pagpapatupad ng Project LAWA at BINHI (PLAB), na naglalayong palakasin ang kapasidad ng komunidad sa harap ng mga kalamidad.

Sa patuloy na pangunguna ni Regional Director Norman S. Laurio, sinisigurado ng DSWD Bicol na makarating ang nararapat na tulong sa mga pamilyang tunay na nangangailangan, katuwang ang mga lokal na pamahalaan gaya ng LGU Viga.
Ang programang ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin ang mga inisyatibang pangkaunlaran at katatagan ng mga pamayanan.
Source: DSWD Regional Office V