Ito ay isa sa mga dinadayong lugar ng mga namamanata na matatagpuan sa Brgy. Tinamnan, Lucban, Quezon dahil sa kilala sa pagkakaroon ng healing masses sa kapilya nito.

Ito rin ay nagsisilbing museo na nagpapakita ng iba’t ibang karakter at pangyayari sa bibliya sa pamamagitan ng mga rebultong kasing laki na ng mga tao.

Makikita din dito ang itinayong Noah’s Ark na siyang pinagdadausan ng iba’t ibang aktibidad na may kinalaman sa spiritwal na pamumuhay ng mga tao.

Bukod pa sa mga nabanggit, mayroon ring hagdan na humigit kumulang tatlong daan at limang (305) hakbang na magdadala sa mga turista sa tuktok ng burol kung saan itinayo ang 50-ft na rebulto ng “Ascending Christ”.

Ang rebultong ito ay pangatlo sa mga pinaka-malaking estatwa ni Hesus na itinayo sa buong mundo na habang umaakyat ay madadaanan ang mga rebultong naglalarawan ng labing-apat na estasyon ng krus, na magandang puntahan upang makapag bisita-de-Iglesia tuwing mahal na araw, nakakapagod man ang pag-akyat ngunit tila hindi iindahin sapagkat napakaganda ng tanawin sa tuktok ng burol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *