Patuloy na pinagkakalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng iba’t ibang programa ang mga residenteng kabataang Palaweño sa Bahay Pag-asa Youth Center (BPYC) Palawan nito lamang ika-4 ng Abril 2025.
Sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ay nagpapatuloy ang pagsasagawa ng mga Quarterly Parents Meeting na dinadaluhan ng mga magulang kasama ang kanilang mga anak na nasa youth center.
Kasama rin ang pagsasagawa ng Multi-Disciplinary Team (MDT) Case Conference kamakailan bilang bahagi ng programa, ito ay upang makabuo ng epektibong plano at aksyon at iba pang mga pangangailangan ng kabataan sa BPYC.
Samantala, tumanggap naman ng financial assistance kamakailan ang dalawampu’t apat (24) na residente ng BPYC mula sa Community-Based Gender and Development (CBGAD) ng pamahalaang panlalawigan, ito ay upang mabigyan ng tulong pangkabuhayan sakaling makabalik na ito sa kanilang mga komunidad.
Ang mga inisyatibang ito ay bahagi ng pagtataguyod sa kapakanan ng kabataang Palaweño na nasa pangangalaga ng BPYC, na mabigyan ng sapat na kalinga at magkaroon ng pantay na oportunidad para sa kanila.
Layunin nitong palakasin ang pakikiisa at suporta ng mga magulang para sa kanilang mga anak habang nasa proseso pa ang kanilang mga kaso. Isa rin itong paraan upang maipaabot ang kalagayan ng kanilang mga anak habang nasa pangangalaga ng BPYC.
Source: PIO Palawan