Isang makabuluhan at hitik sa talakayan ang isinagawang oryentasyon hinggil sa Expanded Solo Parents Welfare Act o Republic Act No. 11861 na pinangunahan ni Mayor Sonny katuwang ang Tanauan City Social Welfare and Development (CSWD) na ginanap nito lamang Lunes, ika-27 ng Enero 2025.

Ang aktibidad ay naglalayong makapagbigay ng karagdagang serbisyo at benepisyo para sa bawat Solo Parent sa Lungsod ng Tanauan.

Sa mensahe ni Mayor Sonny, kanyang binigyang-diin ang paghahatid ng mga prayoridad na programa sa larangan ng edukasyon, medikal, pangkabuhayan at social services na kinakailangan ng isang solo parent at kanilang mga anak.

Sa pagpupulong na ito, tinalakay rin ang mga mahahalagang probisyon ng naturang batas kabilang na ang oportunidad at suportang ihahatid ng pamahalaan para sa mga magulang at bata upang masiguro ang holistic development nito.

Source: City Government of Tanauan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *