

Ang lalawigan ng Albay ay maraming destinasyong panturista isa na rito ang Muladbucad White Beach.
Ang Muladbucad White Beach ay tinaguriang “Spring Water by the Bay”, ito ay isa sa puting beach sa Bicol Region na madaling mapuntahan na matatagpuan sa Holugan, Manito, Albay.
Ito ay binuksan sa publiko noong 2013 at naakit nito ang maraming local na turista mula sa mga kalapit na bayan at rehiyon.
Ang puting beach ay idineklara bilang isang ‘starfish sanctuary’ ng gobernador ng Albay sa kadahilanang maraming mga starfish ang nabubuhay dito.
Ang Muladbucad Beach ay isang lugar kung saan mararamdaman mo bilang isang turista at mapagmasdan ang napakagandang kapaligiran at kalikasan. Kung hanap mo ay makapag-relax at mag swimming, Muladbucad Beach ang sagot sa iyong mga kahilingan.