Matagumpay na nailunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang Food Co-Lab (Food Company and Laboratories) Project sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Food and Drug Administration (FDA) noong ika-28 ng Oktubre 2024.
Ang proyekto ay bahagi ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at FDA noong nakaraang Agosto 2024.
Ang nasabing MOA ay naglalayong matulungan na maging aprubado ng FDA ang mga produkto ng MSMEs (Micro Small Medium Enterprises) sa lalawigan ng Quezon na magiging daan upang ang mga ito ay maipasok sa merkado o supermarket stores.
Dumaan rin sa libreng pagsasanay ang mga nakiisang MSMEs sa programa kung saan itinuro sa kanila ang mga panuntunin sa food safety, current good manufacturing practices, mandatory labeling of products, nutritional facts at licensing requirements para sa isasagawang kumpirmasyon sa FDA.
Ang naturang proyekto ay alinsunod sa hangarin na mabigyang oportunidad na mas makilala ang mga lokal na produkto ng Quezon.
Source: Provincial Government of Quezon