Sa buong Pilipinas, ang Bicol Region ang isa sa may pinakamaraming Slaughterhouse projects na napondohan sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP). Ito ang pinahayag sa Usapang Agrikultura ni Dr. Alex Templonuevo, Regional Director ng National Meat Inspection Service sa rehiyon Bikol.

Empty butchering workshop poultry with overhead conveyor. Poultry processing plant line. Production of chicken meat.

Ayon kay Templonuevo, nasa walong slaughterhouses ang itinatayo sa ngayon sa iba’t ibang provincia sa Bikol.

Aniya, kauna-unahang PRDP funded sa Bikol ay ang slaughterhouse sa Ragay at sa Buhi, Camarines Sur.

Ayon pa sa kanya, ongoing naman ang construction ng slaughterhouse sa Virac, Catanduanes. Inaasahan na matatapos at magiging operational ang mga slaughterhouse sa Catanduanes, Bula at Calabanga, Camarines Sur, Gubat at Barcelona, Sorsogon, at Tabaco City, Albay bago matapos ang 2024.

Source: Radyo Pilipinas Virac Catanduanes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *