Matagumpay na naipagkaloob ang tatlong mga bagong Barangay Service Vehicle sa tatlong mga barangay ng Lucban, Quezon noong ika-12 ng Oktubre 2024.

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Vice Governor Third Alcala at Mayor Tenten Villaverde ang pamamahagi sa Barangay 2, Barangay Kalyaat, at Barangay Igang sa bayan ng Lucban.

Ang pamamahagi ng bagong Barangay Service Vehicle ay naglalayong maging instrumento sa paghahatid ng mga serbisyo sa mga nangangailangan na residente ng nasabing mga barangay.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *