Matagumpay na naisagawa ng Department of Social Welfare and Development ang Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) Payout para sa mga senior citizens bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week Celebration 2024 sa Provincial Capitol Building na ginanap nitong Oktubre 9-10, 2024.

Ito ay naging possible sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno nina Governor Dong Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia na laging handang maghandog ng mga programang makakatulong nang malaki sa bawat mamamayan ng Camarines Norte, mapa-bata man o matanda. Ang kanilang serbisyo-publiko ay isang patunay ng pagsasabuhay ng serbisyong alay sa Diyos at alay sa bayan.

Layunin nito na makapagbigay ng kaunting tulong sa ating mga senior citizens na wala nang kakayahang magtrabaho upang maibsan ang kanilang alalahanin tulad ng pambili ng kanilang gamot.

Source: Camarines Norte Public Information Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *