Muling bumisita ang Vena Energy sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte upang ipaabot ang isang libong Food Packs para sa mga nasalanta ng nagdaang bagyong Enteng na nagdulot ng matinding pananalasa sa ilang bahagi ng probinsya nito lamang Oktubre 7, 2024.

Matapos maipaabot ang mga nasabing food packs, nagkaroon naman ng maikling pagpupulong ang Vena Energy kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa Governor’s Office Conference Room upang ipakilala ang kanilang kasalukuyang proyekto na nakaplanong itatayo sa lalawigan ng Camarines Norte.

Dinaluhan ito nina Provincial Administrator Don Eduardo Padilla, Provincial Information Officer Sarah Marie P. Aviado at nina Joseph Mari D. Luzuriaga at Francis Miel Dilig na representative mula sa Vena Energy – Mirus Wind Energy Corp.

Ang proyekto na kilala bilang Windmill Project, ay itatayo sa mga bayan ng Jose Panganiban, Capalonga, at Sta. Elena. Ayon sa mga opisyal, ang proyekto ay makakatulong sa pagbibigay ng malinis at sustenableng enerhiya sa rehiyon, at makakatulong din sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya.

Source: Camarines Norte Provincial Information Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *