Buhay na buhay ang industriya ng kape sa lalawigan ng Batangas matapos ipagdiwang ang Batangas Coffee Day na ginanap sa University of Batangas Millennium Gymnasium, Batangas City noong ika-1 ng Oktubre 2024.
Ang programang ito ay bahagi ng selebrasyon ng International Coffee Day.
Ang naturang pagtitipon ay naisakatuparan sa pangangasiwa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), katuwang ang mga miyembro ng Technical Working Group for Coffee ng probinsya, na binubuo ng iba’t ibang mga government agencies, academic institutions, at coffee farmers.
Dumalo sa nasabing pagdiriwang sina Provincial Administrator Wilfredo Racelis; Provincial Tourism and Cultural Affairs Office Head, Dr. Katrin Erika Buted; Provincial Planning and Development Office Officer-in-Charge, EnP. Marissa Mendoza; University of Batangas President, Ms. Lily Marlene J. Hernandez-Bohn; Office of the Provincial Agriculturist, na kinatawan ni Mr. Jansel Silva; at iba pang TWG members.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng buong pagmamalaki upang mas makilala at maitampok ang tunay na Kapeng Barako at ang malalim na koneksyon nito sa kultura, kasaysayan at pagkakakilanlan ng probinsya ng Batangas.
Source: Batangas PIO