Matagumpay ang isinagawng Opening Ceremony ng 26th Southern Palawan Municipalities Friendship Meet na ginanap sa Quezon, Palawan nito lamang ika-18 ng Setyembre 2024.

Ang kaganapang ito ay dinaluhan ng mga munisipalidad ng Kalayaan, EspaƱola, Balabac, Bataraza, Brookes Point, Narra, Quezon, at Aborlan, na nagpakita ng diwa ng pakikipagkaibigan at pagkakaisa sa mga komunidad ng Southern Palawan. Nakilahok rin ang Bataraza Pines sa isinagawang engrandeng parada.

Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa kultura na tunay ngang maipagmamalaki ng mamamayan ng Southern Palawan.

Source: Bataraza Public Information

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *