Umabot sa may kabuuang Php2,917,985,347 ang tulong pinansyal na naipamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol sa mahigit 600K Bicolanong miyembro ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged Workers (TUPAD).

Ayon kay DOLE Bicol Assistant Regional Director Imelda Romanillos, simula ng maipatupad ang naturang emergency employment program hanggang sa taong kasalukuyan, umabot sa 654,412 mahihirap na manggagawang Bicolano na nawalan ng trabaho.

Binigyang-diin ni Romanillos na tanging isang miyembro lamang sa isang pamilya ang maaaring maging benepisyaryo ng TUPAD sa isang taon.

Ang TUPAD ay isang community-based package ng Kagawaran na nagbibigay ng panandaliang tulong na trabaho upang mabawasan ang epekto ng kalamidad, sakuna at pandemya sa mga manggagawa sa impormal na sektor.

Sa ilalim nito, nabibigyan trabaho ang isang displaced worker, underemployed, at seasonal na manggagawa, sa loob ng maximum na 90 araw, depende sa uri ng trabahong gagawin. Babayaran ang mga benepisyaryo ng sahod batay sa umiiral na pinakamataas na minimum wage sa probinsya.

Source: Radyo Pilipinas Albay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *