Ang Tamaraw Falls ay isa sa pinakasikat na atraksyon sa bayan ng Puerto Galera sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Ang kamangha-manghang natural na talon ay may taas na 423 talampakan o 128.3 metro na maihahalintulad sa isang mataas na gusali.

Mayroon itong kakaibang hugis na animoy hugis letrang “Y” dahil sa pagsasama ng dalawang kambal na talon. Maganda itong pagmasdan dahil sa malakas na daloy ng tubig ng talon at talagang sulit ang pagbisita dahil sa kamangha-manghang tanawin na makikita ng mga turista sa taas ng talon.

Ipinangalan ito sa pinakasikat na hayop ng Mindoro na “tamaraw” o dwarf buffalo sa ingles na makikita lamang sa Pilipinas na kalahi nito ang kalabaw na ating pambansang hayop na sa kasalukuyan ay nakalista bilang isa sa mga endangered species ng ating bansa.

Ang pagpapangalan sa Tamaraw Falls ay nagpapa-alala sa mga mamamayan na pangalagaan ang naturang pambihirang hayop na sa ating bansa lamang nakikita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *