Nagsagawa ng joint inspection ang lokal na pamahalaan ng Lemery at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lugar na pagtatayuan ng Proposed Sabo Dam Phase 2 sa Barangay Cahilan II at Ayao-Iyao.

Layunin ng inspeksiyon na suriin ang mga lugar at matiyak ang kahandaan ng naturang proyekto bago ang pagpapatupad nito. Inaasahang makatutulong ang pagtatayo ng Sabo Dam Phase 2 sa pagkontrol ng pag-apaw ng tubig at pagpapababa ng panganib ng pagbaha sa mga kalapit na komunidad.

Bahagi ito ng mga hakbang ng pamahalaang lokal at DPWH upang mapalakas ang mga programang pang-imprastraktura at mapabuti ang proteksiyon ng mga residente laban sa mga posibleng epekto ng pagbaha at iba pang kalamidad.

Source: Batangas News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *