Nagsampa ng reklamo sa pulisya ang anim na mag-aaral na edad 11 hanggang 12, kasama ang kani-kanilang mga magulang, laban sa isang lalaking guro dahil sa umano’y sexual harassment sa bayan ng San Jose, Batangas.

Ayon sa paunang imbestigasyon, naganap umano ang mga insidente ng pang-aabuso na kinasasangkutan ng nasabing guro at ng anim na mag-aaral.

Agad namang iniaksyunan ng mga awtoridad ang reklamo upang masusing imbestigahan ang insidente at matukoy ang mga kaugnay na pangyayari. Patuloy ang pangangalap ng mga ebidensya at pagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang mga menor de edad na biktima at matiyak na mabibigyan ng kaukulang hustisya ang mga ito.

Source: Batangas News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *