Binuksan noong Sabado, Oktubre 17, ang Information Caravan with One-Stop Shop of Government Services sa RGV Gymnasium sa Victoria, Oriental Mindoro, upang ilapit sa mga residente ang libreng serbisyo ng 18 ahensya at organisasyon ng pamahalaan.

Inorganisa ng Philippine Information Agency (PIA) Oriental Mindoro, tampok sa aktibidad ang mga serbisyo sa pagpaparehistro ng National ID, PhilHealth at SSS, legal consultation, medical at dental services, police clearance, tulong sa kabuhayan at agrikultura, libreng binhi at punla, gayundin ang iba pang serbisyong pampubliko.

Hinimok ang mga residente ng Victoria na samantalahin ang mga serbisyong ito bago matapos ang aktibidad ngayong hapon upang mas madaling matugunan ang kanilang mga pangangailangan nang hindi na kailangang bumiyahe nang malayo.

Source: PIA MIMAROPA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *